HomeDALUMAT E-Journaltomo 3 bilang 1-2 (2012)

Panimulang Pag-Aaral sa Varayti ng Tagalog-Pateros sa Domeyn ng Balutan

Voltaire Villanueva

 

Abstrak:

Isa sa mga sakop na aralin ng Lingguwistika ang Sosyolingguwistika. Malayo na ang narating ng larangang ito sapagkat naging tuon nang napakaraming pag-aaral ang ugnayan ng wika at lipunan. Napatunayan na hindi kayang paghiwalayin ang maigting na koneksyon ng wika at lipunan na pangunahing layunin sa pag-aaral at pagsusuri bilang salalayan ay Sosyolingguwistika. Sa sitwasyon ng bayan ng Pateros, ang varayti ng wika sa domeyn ng industriya ng balutan ay magiging lagusan o kuhanan ng batis. Ang wika sa balutan sa Pateros ang magiging sandigan upang mailarawan, mauga,t at masuri ang kahalagahan ng wika sa isang pamayanan o komunidad pangwika. Ang wika ng balutan ang magiging impukan at kuhanan ng mayamang karanasan, kultura at kasaysayan ng bayan ng Pateros. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay masusuri ang kakanyahang Pateros mula sa batis sa industriyal na rejister o leksikal na aytem ng iba’t ibang domeyn ng balutan ng Pateros. Ito ay magiging mahalagang bahagi ng kabuuan at pagkakakilanlan ng munting bayan at pagpapayabong ng wikang pambansa ng Pilipinas. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtatala ng leksikal aytem ng mga salita sa domeyn ng balutan na mayroong malaking kaugnayan sa pangkalahatang kaakuhan ng Pateros.