HomeDALUMAT E-Journaltomo 3 bilang 1-2 (2012)

Ang Hanunuo-Mangyan, Ambahan, at ang Misyon ng Simbahan

Emmanuel C. De Leon

 

Abstrak:

Sa yugtong ito ng kasaysayan ng makabagong Simbahan, dumating na nga tayo hindi lamang sa punto ng pagkagising at pagkaunawa sa realidad ng pluralismo, kundi maging sa pagtanggap ng pagiging lehitimo nito. Ang pagkagising at pagtanggap na ito ang nagtutulak sa Simbahan na humakbang patungo sa pakikipagdiyalogo. Bilang tagapagturo ng Mabuting Balita ni Kristo, hindi nga marahil siya dapat matakot na matuto sa iba. Sapagkat ang katotohan ay sa Diyos na iisa at, samakatuwid, ito ay may kaisahan.

 

Sa papel na ito, bibigyan natin ng pansin ang posibilidad ng pagmimisyon sa mga Katutubong Mangyan. Naniniwala ang manunulat na mayroong mahahalagang karanasan ang mga Katutubong Mangyan na maaaring ituring na “Salita ng Diyos”. Kung magkaganon, ano ang posibilidad ng pagpapatibay ng mga karanasan ng mga Hanunuo Mangyan bilang Karanasang Banal? Ipinapalagay na masasalamin ang Kaisipang Mangyan sa mga tayutay ng Ambahan kung saan malayang nagpapahayag ng damdamin ang mga Katutubong Mangyan. Kung kaya, isang matapat na pagmumuni muni sa mga Ambahan ang diskarte ng papel na ito.