HomeDALUMAT E-Journaltomo 3 bilang 1-2 (2012)

Ang Bisa at Hinaharap ng Lapit na Disaster Diplomacy sa Kasaysayang Pangkapaligiran ng Pilipinas: Isang Inisyal na Pagtatasa

Ma. Florina Yamsuan Orillos-juan

 

Abstrak:

Dinadalumat ng papel na ito ang lapit na disaster diplomacy sa pag-aaral ng mga natural disaster na palagiang lumilitaw at nagdudulot ng kapinsalaan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Isa itong panimulang hakbang ng may-akda na gumawa ng pagtatasa ukol sa kaakmaan at kaangkupan ng naturang lapit upang lalo pang unawain ang mga kinaharap na disaster ng mamamayang Pilipino. Sa huli, pagmumunian kung paano lalo pang makatutulong ang disiplina ng kasaysayan sa pagpapalawak ng naturang balangkas konseptuwal.