HomeAni: Letran Calamba Research Reportvol. 1 no. 1 (2011)

Konsepto ng Sariling Pagkatao ng Panganay na Anak ng Overseas Filipino Worker

Princess Ann B. Ongkiatco | Angelica B. Brutas | Maybelle L. Libres

Discipline: Psychology

 

Abstract:

Ang pag-aaral ay ukol sa konsepto ng sariling pagkatao ng panganay na anak ng Overseas Filipino Worker. Ito ay pagdalumat sa pagkataong Pilipino kung saan ipinahayag nito ang sikolohiya ng kapwa at kulturang Pilipino na kaiba sa pagkakaunawa ng kanluraning sikolohiya. Ang konsepto ng sariling pagkatao o personhood ng Pilipino ay nakasentro sa pagkakakilanlan ng sarili na konektado sa kapwa. Nahuhubog ang pagkatao ng panganay na anak sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa at pamilya, sirkumstansya ng pandarayuhan ng magulang na nabibigyang kahulugan ng kultura at wikang Filipino.

 

Ang pag-aaral ay gumamit ng panayam sa pangangalap ng datos. Tatlong lalaking panganay na anak ng isang Overseas Filipino Worker, nasa gulang dalawampu hanggang dalawampu’t dalawa, may dalawa o higit pang nakababatang kapatid, at nakatira sa lungsod ng Calamba, Laguna ang kinapanayam. Mula sa mga datos na nakalap, nalaman na ang mga panganay na anak ay may talong konsepto sa kanilang sariling pagkatao: (1) Ang panganay na anak ay tumatayo bilang pangalawang magulang sa pamilya; (2) Sila ay may gampan bilang tagapanguna sa grupo o organisasyon na kanilang kinabibilangan; at, (3) Sila rin ay maituturing na mga matatatag na tao dahil sa mga pagsubok