HomeISU-Cabagan Journal of Researchvol. 19 no. 2 (2010)

Ebalwasyon ng Ched General Education Curriculum sa Programa ng Filipino sa Ilang Piling Kolehiyo at Unibersidad sa Rehiyon 2

Jaine Z. Tarun

Discipline: Education, Research

 

Abstract:

Tungkol sa isinagawang ebalwasyon ng implementasyon ng CHED GEC sa programa ng Filipino sa ilang piling SUCs; Cagayan State University, Isabela State University, Nueva Vizcaya State University at Quirino State University: Pribadong Sektaryan; Saint Paul University Philippines, University of Saint Louis, Tuguegarao at Pribadong Di-Sektaryan: Cagayan Colleges Tuguegarao, St. Ferdinand College at NorthEastern College. Upang matugunan ang pangunahing layunin na malaman ang lawak ng implementasyon ng mga memorandum ng CHED sa ilang piling kolehiyo at unibersidad sa Rehiyon 2, tiniyak kung sinusunod ang rekwayrment sa Filipino na iniaatas ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 59 s. 1996 o GEC-A at CHED Memorandum (CM) No. 04 s. 1997 o GEC-B, inalam ang saloobin ng mga administrador, fakulti at estudyante kaugnay ng implementasyon ng mga nabanggit na atas particular sa Filipino komponent at tiniyak ang kawalan o pagkakaroon ng palisi at mga programa sa Filipino ng mga institusyon upang makita ang kanilang kontribusyon bilang mga pangunahing tagapagsulong sa intelektwalisayon ng wikang Filipino (Magracia 2005).