HomeISU-Cabagan Journal of Researchvol. 21 no. 2 (2012)

Wikang Filipino Bilang Akademik na Kurso at Akademik na Disiplina

Jaine Z. Tarun

Discipline: Linguistics

 

Abstract:

Pinamagatang “wikang filipino bilang akademik na kurso at akademik na disiplina” ang pag-aaral na ito kung saan pinagtuunan ng pagsusuri ang mga programa sa filipino partikular ang kurikulum sa filipino ng isabela state university sa mga lebel na di-gradwado at gradwado upang magamit na saligan sa pagmumungkahi ng mga akademik na kurikulum para sa disiplinang filipino bilang larangan ng pag-aaral na tutugon sa vertikalisasayon na tuon ng inibersidad. ginamit sa isinagawang pag-aaral ang documentary analysis o pagsusuring dokumentari. sa pag-aaral na ito, tiniyak na walang programa sa filipino ang unibersidad na lilinang dito bilang isang disiplina kaya’t inimumungkahi sa pag-aaral na ang mga kurikular na programa sa filipino na maaaring tutugon sa tuon ng unibersidad na vertikalisasyon sa mga programa nito katulad ng mga programa sa disiplinang filipino.