HomeMALAYvol. 2 no. 1 (1982)

Ang Maikling Kuwentong Tagalog (1926-1938)

Soledad S. Reyes

Discipline: Literature

 

Abstract:

Layunin ng pagsusuring ito ang pagpapaliwanag ng mga katangian ng maikling kuwentong Tagalog bilang construct, o bilang isang anyong-pampanitikan na katatagpuan ng mga pananaw o persepsiyon ng mga tao sa iba't ibang realidad. Sa ganitong pananaw, lalabas ang kuwento bilang instrumento sa pagbibigay-hugis sa mga karanasang hango sa tunay na buhay. Sa madaling salita, tesis ng sanaysay na ito na produkto ang maikling kuwento ng sistema ng mga kumbensiyon na napanday sa mga naunang akdang-pampanitikan, tulad ng nobela at dagli. Ang anumang pagtatangka ng manunulat na maglarawan ng buhay ay sinasala o pinararaan sa naturang sistema ng kumbensiyon sa pagsulat. Sa gayon, ninais man ng mga manunulat na lumikha ng matapat na salamin ng buhay, nagsisilbing limitasyon sa kanilang sining ng produksiyon ang

namamayaning sistema na maaaring nagbukal sa naunang anyo ng panitikan. Dahil dito, iba't ibang uri ng bakas ng ibang anyo ang mamamalas sa maikling kuwento; sinasaniban ng mga ito ang mga artikulasyon ng karanasan na nagtatakda sa paimbabaw na kahulugan ng teksto.