HomeMALAYvol. 3 no. 1 (1983)

PILIPINISASYON NG MGA AGHAM PANLIPUNAN: Pagliligaw sa Tunay na Isyu?

Andrew Gonzales

Discipline: Social Science, Language Arts and Disciplines

 

Abstract:

lpagpaumanhin ninyo ang aking likas na pagka-lingguwista na sinasabing nalilito ng mga salita at katawagan, pero ang namamayaning larawan na bubuo ng tinawag ng makatang T.S. Eliot na isang objective correlative, sa kasong ito'y isang malinaw na larawang naglalaman o nagpapaunawa ng isang ideya. Ang tinutumbok na aking mga pananalita ay ang red herring, na kaugnay ng sinaunang isport sa pangangaso ng mga Ingles na gumagamit ng pinausukang isda upang lituhin ang mga pinahahabol na aso.