HomeMALAYvol. 3 no. 1 (1983)

Ang Edukasyon sa Panahon ng Rebolusyon (1896-1899) at ng Amerikano (1899-1935)

Nicanor G. Tiongson

Discipline: History

 

Abstract:

Pagkatapos ng mga apat na taong paghahanda, sumiklab ang Rebolusyon laban sa Espanya, sa Kamaynilaan noong Agosto 24, 1896. Di nagtagal at ang Himagsikan ng mga Tagalog ay naging tunay na Rebolusyon ng bansa. Sa pakikiisa ng iba't ibang rehiyon sa adhikain ng paglaya, nagapi ang mga Kastila sa iba't ibang bayan sa sangkapuluan, hanggang sa mapinid ang unang yugto ng Himagsikan laban sa Espanya sa pakto ng Biak-na-Bato noong Disyembre 15, 1897.