HomeMALAYvol. 3 no. 2 (1984)

Ang Kahalagahan ng Wikang Pambansa sa Pagbubuo ng Kakanyahang Pilipino

Andrew Gonzales

Discipline: Language Arts and Disciplines

 

Abstract:

Marami na ang nagsabi at nasulat sa paksang ito, at hindi na kailangan pang sabihin muli. Nais ko lamang na tingnan natin ang nangyari at nangyayari sa ibang mga bansa upang magkaroon tayo ng bagong pananaw sa mga suliranin tungkol sa ating wikang pambansa. Mabuti at maaari nating ihambing ang kaso ng Indonesya at ng Singapore, ating mga kapit-bansa sa Timog-Silangang Asya, sa kaso ng Pilipinas, sapagkat ang dalawang bansang ito ay magbibigay sa atin ng isang kakaibang larawan. Sa mga salita ng mga dalubhasa, ang mga kaso ng dalawa ay limiting cases sapagkat kumakatawan sa kaibhan ng dalawang extremes (o dulo).