Discipline: Literature
Isa si Lamberto Antonio sa mga makata noong 1960 na hayagang nakiisa sa daloy ng Modernismo na sinagisag ng mga makata sa Amerika at Europa tulad nina Baudelaire, Rilke, Neruda, T.S. Eliot at marami pang makabagong manunulat. Katulad nina Rio Alma, Rogelio Mangahas, at ng mga makatang Bagay, binuksan ni Antonio ang kanyang sining sa mga impluwensiyang Kanluranin. Dalawang bagay ang sinagisag ng ganitong pagsanib sa kamalayang Modernistiko. Una, ipinahiwatig ng makata ang tahasang paghihimagsik laban sa mga kombensiyon at tradisyon ng panulaang katutubo. Pangalawa, inamin ng makata na ang kaligtasan ng panulaan ay matatagpuan sa higit na malikhaing paglilinang ng kanyang Sining. 1 Hindi lamang mga tema nina Baudelaire at Eliot ang isinangkap ng kabataang makata sa kani-kanilang mga tula; nagiging mahalagang impluwensiya ang kalipunan ng teknik na nagbibigayhugis sa tulang serebral, ironiko, matimpiin, esoteriko na siyang mga katangian ng mga tufang sinulat sa tradisyon ng Simbolismo, Imahismo, Suryalismo, at ilan pang makahagongismo. Sa ganitong pananaw, na maaaring tawaging Pormalistiko, itinuring ang tula bilang isang artifact, isang daigdig na may sariling batas at alituntunin na siyang nagkakaloob dito ng buhay at dinamismo. Ang makata, sa kabilang dako, ay isang nilalang na tiwalag sa daigdig na pinamamayanihan ng alyenasyon at mekanisasyon. 2 Malinaw ang impluwensiya ng Modernismo sa tema at teknik na ginamit ng mga batang makata.