Discipline: Literature
Sa isang sanaysay pampanitikan ni Miguel A. Bernard, S.J., "The Future of Philippine Literature," ikinuwento niya ang isang simposyum tungkol sa Panitikang Pilipino na inisponsor ng USIS noong Marso 1964. Sinabi niyang sa tatlong manunulat na nagsipagsalita, ni isa man ay walang matanaw na maningning na kinabukasan ng panitikang Pilipino sa loob ng darating na isang dekada. Sa dakong huli ng kanyang introduksiyon, ipinaliwanag niyang mapanganib na hulaan ang kinabukasan ng anumang bagay . . . kung ang mga manunulat ay magsusulat o hindi. At sa huli'y pawalang-bahala niyang sinabi: "And for the sake of convenience, let us limit the discussion to Philippine literature in English. "