Discipline: Literature
Hindi maipagkakaila ang lakas at lawak ng impluwensiya ng pelikula sa katauhan at kaisipan ng mga Pilipino. Sa katunayan, ang mga produkto ng industriya ay hindi lamang sumasalamin ng mga damdamin at pangangailangan ng nakararami kundi humuhugis ng daanang pinapatunguhan ng katutubong kultura ayon sa mga kondimiyento na umiiral sa iba't ibang kapanahunan. Ang pagkilatis ng pelikulang Pilipino ay pagsusuri ng kasaysayan ng bayang mahirap ihiwalay ang elementong sosyolohikal, sikolohikal, at pilosopikal na nagtatangi sa mga uri ng pelikulang itinataguyod at pinagkakaguluhan ng madla.