Discipline: Technology, Theology
Sa aking paningin, bilang taong may kaisipan at katalinuhan, ang Kristiyano ay nananampalataya sa Persona at Mensahe ni Hesukristo. Ang batayan ng kanyang pananampalataya ay isang pananampalatayang pangkasaysayan, nakaugat sa isang tunay na pangyayari, ang pagdalo ng Maykapal sa daigdig na ito sa pamamagitan ni Hesukristo. Batay din sa pananampalatayang ito, nagsusumikap ang Kristiyanong unawain ang pangyayaring ito at ang kabuluhan ng buhay at gawa at mga kasabihan ni Hesukristo. Ito ang itinuturing ng mga teologo noong Gitnang Panahon na fides quarens intellectum, ang pananampalataya ng nagsusumikap na maunawaan ang pagkatao ng Maykapal at ang mga tanda ng Bathala na maaari niyang pag-aralan dito sa ating daigdig, upang ang di-nakikita ay maaaring unawain at sampalatayahin.