Discipline: Technology, Theology
Sa ating pagninilay hinggil sa teolohiyang Pilipino, bago natin kumustahin ang kalagayan ng pinapaksa at bago natin suriin ang iba't ibang panig at kaugnay na may kinalaman sa katayuan nito ngayon at bukas, kilalanin muna natin at pagsikapang bigyang-linaw kung ana itong teolohiyang Pilipino na ating pakay pag-ukulan ng pansin ngayong maghapon. Kaya't ang una kong pagtatangkaang talakayin ay kung ana itong teolohiyang binabansagan nating Pilipino, kung bakit mayroon pa nito 6 kung kailangan pa bang maging Pilipino. Anu-ano ang mga katangiang hinahanap sa teolohiyang Pilipinong ito? Paano ba ito nangyayari? Saan ba ito ibinabatay? Mayroon ba tayong huwaran? Sa katugunan sa mga tanong na ganito'y mapupulsuhan na natin kung ana ang kasalukuyang katayuan ng ating teolohiyang Pilipino at kung ang ating mahihintay sa hinaharap. Ang ating pagtalakay ay upang simulan lamang ang ilang diskusyon na lubhang kailangan. Hindi natin layuning sabihin dito ang lahat na masasabi 6 dapat sabihin.