Discipline: Philosophy, Linguistics
Ang paksang-diwa ng ating panayam ay hindi lamang kawili-wili't kapaki-pakinabang kundi lubhang mahalaga't napapanahon din. Kawili-wili't kapaki-pakinabang, sapagka't ito'y isang pambihirang pagkakataon na maipahayag sa wikang sarili ang ilang maiagintong diwang pampilosopiya na nakapagpapayaman ng karanasang pangkaisipan at nakapagbibigay-halaga sa buhay ng tao; makabuluhan at napapanahon din sapagka't masasaksihan dito ang likas na kayamanan at kakayahan ng Pilipino bilang wikang panturo sa pamantasan at kasangkapan sa pagtukias ng katotohanang pampilosopiya at pagpapahayag ng karunungang pangkatunayan at pantao. Angkop din ito sa pagpapalaganap ng kilusang bilingguwalismo sa larangan ng akademya at paglinang ng Wikang Pambansa, tungo sa kamalayang pagkamakabansa, sangkabansaang pagkakakilanlan at sambayanang kabukluran.