Discipline: Theology
Ang pag-aaral na iuulat ko ay nauukol lamang sa mga pagsasaling isinagawa sa panahon ng Kastila mula sa ibang dayuhang wika tungo sa wikang Tagalog. Ito'y sapagkat lubhang napakarami ang mga pagsasaling isinagawa maging sa ibang katutubong wika tulad ng Cebuano, Ilocano, Pampan.go at Hiligaynon at walang sapat na panahon at kakayahan upang maisagawa sa nakalaang panahon. Gayundin, ang karamihan sa mga aklat ay hindi matatagpuan sa mga aklatan sa Pilipinas bagkus ay sa ibang bansa tulad ng Espanya. Dahil dito, hindi talaga nagkaroon ng sapat na pagkakataon upang masuri ang lahat ng mga aklat na nakatala. Ang paghanap din sa mga orihinal na akda ay isang mahirap na gawain. Karamihan sa mga ito'y talagang wala na. Kaya't ang mananaliksik ay hindi lubusang makagawa ng masusing pag-aaral sa estilo at pamamaraan ng pagsasalin.