HomeMALAYvol. 5 no. 1 (1986)

Pananaliksik Tungo sa Teolohiyang Makapilipino

Moises B. Andrade

Discipline: Theology

 

Abstract:

Ang teolohiya ay naglalahad ng paksa na idinulot ni Hesukristo bilang bagong alak. Ang paksa ng teolohiya ay ang makapangyarihang gawa ng Diyos na tumupad sa kanyang pangako at umaakay sa lahat ng bansa para manampalataya at sumunod sa pagpapahayag nita bilang Mabuting Balita ni Hesukristo? Bilang pangako, ang nilalaman ng teolohiya ay nabatid ng tao sa wikang Hebreo. Ito ay isinalin sa wikang Griego noong taong 300 hanggang 250 bago isilang si Hesukristo. Bilang Mabuting BqJJta ng katuparan ng pangako, ang inilalahad ng teolohiya tungkol kay Hesukristo ay nasa wikang Griego hanggang ito ay maisalin sa wikang Latin noong taong 180 at 383 mula nang isilang ang Panginoong Hesukristo. Sa anumang pagbuo ng teolohiya, kailangang harapin ang pagsasalin na dapat bigyan ng pagkakataong tumining para walang sagabal na malasap ang linamnam nito.