Discipline: Theology
Ang paksang iniatas sa akin ngayon ay tungkol sa pagsasakatutubo at katutubong teolohiya.
Bago ang lahat, kailangang ipaliwanag muna kung bakit kailangan ang: pagsasakatutubo. Tingnan natin ang iba't ibang larangan ng ating buhay. Simulan natin noong tayo'y mga bata pa; sa ating paglalaro at sa mga laruang ating ginagamit. Kamakailan lamang ay usung-uso ang tinatawag na mga robot na Voltes V, mga mamahaling transformer at mga Barbie Dolls.
Sa kabilang dako mayroon tayong mga katutubong laman. Nandiyan ang tmmpo, ang saranggola at kung sakaling magastos pa rin ang gumawa ng saranggola, puwede namang kumuha ng lata ng sardinas - lagyan ito ng butas at tali -lagyan ng gulong kung gusto at hilahin ng batang nais maglaro. Ang implikasyon ay malawak. May implikasyong kaugnay ng kakayahang lumikha, may implikasyong kaugnay ng gastos at may implikasyong kaugnay ng paghihiwalay ng mayaman at mahirap sa lipunang Pilipino.