Discipline: Education
Ang pagpapaunlad ng Filipino ay sa pamamagitan ng paggamit lamang. Ito'y alinsunod sa pakiwari ng mga dalubwika na hindi uunlad ang alinmang wika kung hindi ito gagamitin. Dahil dito, ang pakiwaring pabayaan munang umunlad ang wikang Filipino bago ito gamitin ay isang uri ng pag-iwas sa tungkuling makibahagi sa pagpapaunlad ng ating wika. Ang tanging dahilan kung bakit maraming salitang Ingles ang wala pang katapat o katumbas na salitang Filipino ay sapagkat sa loob ng matagal na panahon ay itinigil ang paggamit
nito. Ginamit at ginagamit pa rin ang wikang Ingles, kung kaya't ito ang puspusang umunlad. Ito ang yumabong at lumawak; samantalang ang wikang Filipino ay mistulang naluoy at napuril dahil sa di-paggamit.