Discipline: Literature
Ang mga karanasan sa pagtuturo at pag-aaral ng literatura ay masalimuot, bukod pa sa disiplina ng edukasyon sa pangkalahatan. Naisusog na nina Freire at iba pang pantas na ang edukasyon ay hindi tulad ng bangko na kung saan ang salapi ay maipagsasalin-salin sa mga sisidlang hungkag upang makuha itong muli sa susunod na panahon kung kakailanganin. Ang bawat ideya ay tila mga barya o maliit na panukli na puwedeng ipambili ng mga komoditi sa palengke. Samakatuwid, ang kaalaman ay maituturo na tila mga pagkain sa turo-turo.