Discipline: History
Karamihan sa mga naunang Pranses na dumating sa Pilipinas ay hindi kilala. llan sa kanila ay mga nabigante, piloto, at mandaragat (may mga Pranses sa ekspedisyong Magallanes) (Miailhe, 1978), mga
misyonero, sundalo, negosyante. Noongika-11 ng Hulyo, 1636, sumulat si Gobernador Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera kay Haring Felipe IV na lihim niyang mamanmanan ang mga Pranses na dumating
at nanirahan sa bansa. May mga ulat din hinggil sa mga Pranses sa Pilipinas na nakikipagkalakalan ng walang pahintulot ng pamahalaang kolonyal ng Espanya. Idinagdag pang gobernador heneral na lalapatan niya ng kaukulang hakbang ang mga ilegal na gawaing ito ng mga Pranses.(Blair & Robertson, 1973, Bol. 26 at Bol. 48).