HomeMALAYvol. 6 no. 2 (1987)

Ang Impluwensiya Ng Iba't-Ibang Pandaigdigang Relihiyon Sa Paghubog Ng Kamalayang Ispirituwal Ng Pilipino

Jose Florencio F. Lapena Jr.

Discipline: Religion

 

Abstract:

Layunin ng artikulong ito na suriin ang kamalayang ispirituwal ng Pilipino batay sa impluwensiya ng iba't-ibang pandaigdigang relihiyon. Sisimulan ito sa pagtakda ng kahulugan ng katagang "kamalayang ispirituwal" at kung paano ito nahubog, at ng mga salitang "relihiyon" at "impluwensiya." Iminumungkahi

na gamitin ang kahulugan ng katagang "kamalayang ispirituwal" na may kinalaman ' hindi lamang sa ispirito kundi pati sa kaluluwa na kaugnay ng kamalayan at buong pagkataong pilipino. Ang depinisyon ng relihiyon na ginamit sa artikulong ito ay yaong tumutukoy dito bilang isang proseso ng pagdaranas, pagmumuni-

muni, pagbibigay-kahulugan, at pagpapahayag ng tao sa kanilang mga itinuturing na pinakamahalaga, kakaiba, higit sa tao o kalikasan, o misteryo. Sinabi na ang prosesong ito ay naiimpluwensiya ng, at umaapekto sa mga pwersang panlipunan, at humuhubog din ng pagkatao at kamalayan. Sinabi rin na ang impluwensiya ng anumang relihiyon ay maaring tahasan o di-tahasan, positibo o negatibo, lantad o di lantad.