Discipline: Education
MALIWANAG ANG landas na tinatahak ng pag-aaral at pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas. Ang dahilan ay sapagkat mayroong malaking paniniwala ngayon na upang umunlad ang kultura ng isang malayang bansa, kailangang taluntunin ang kaniyang nakalipas sa ugat ng kaniyang pagkabansa. Ang tinutukoy dito ay ang paniniwala sa pangangailangan ng kasaysayan at ng mga Pilipinong taga-sulat nito, na maaring gawing buhay ang Kasaysayan ng Pilipinas para sa mga Pilipino ngayon. Ngunit maaari lamang itong mangyari o
maging makatotohanan kung bibigyan sila ng mga kasangkapan at tangkilik para ito maisakatuparan. Kailangan din silang bigyan ng sapat na pagsasanay at pagpapatnubay upang mapabuti ang kasaysayan.