Discipline: Linguistics, Filipino Language
Tatlong salita ang hayaan ninyong bigyan ko muna ng depinisyon sa pasimula ng lektyur na ito - ortograpiya, Filipino. at istandardisasyon. Ortograpiya ang paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat. Sa simpleng salita, ito ang paraan ng pagbaybay, ispeling na ginagamit sa isang wika. Bawat wika ay may sariling sistema ng paglalapat ng simbolo/letra/titik/karakter sa mga makahulugang tunog o ponema. Filipino ang wikang pambansa na nililinang natin. Unang binanggit ang Filipino na wikang panlahat natin sa Konstitusyon ng 1973; pagkatapos ay sa Konstitusyon ng 1987. Ito ang national lingua franca na Pilipino ang nucleus. Istandardisasyon ang proseso ng pagiging magkakaanyo, magkakahawig, o uniporme ng isang wika para sa higil na malawakang pagtanggap at paggamit nito.
Binabanggit ang salitang istandardisasyon sa pag-aaral ng language planning. Pangunahin sina Haugen, Jemudd, Rubin, Ferguson, at Fishman sa larangang ito.