HomeMALAYvol. 9 no. 1 (1991)

Uri at Realidad, Wika at Sensibilidad

Maria Stella Sibal Valdez

Discipline: Education, Educational System, Instructional Language

 

Abstract:

Madaling isipin kung bakit napasok ang edukasyon sa sigalot na bumabalot sa wika ngayon. Imposibleng magkaroon ng makabuluhang edukasyon kung walang nauunawaang midyum sa pagtuturo. Para sa karamihan sa atin, ang paglilipat at pagpapalitan ng ideya ay pinamamagitanan ng mga salita. Maging sa mga may kapansanan sa tainga at mata, salita pa rin ang ginagamit sa pagtuturo sa kanila - hindi nga lamang naririnig ng mga bingi ngunit kanilang nakikita, at hindi nga lamang nakikita ng mga bulag ngunit kanila namang nasasalat at naririnig. Nagibayo ang silakbo ng isyu dala ng Artikulo 14 na nakapaloob sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasabing Filipino ang Pambansang Wika. Nag-alsa ang Cebu nang ipag-utos ng dating ministro ng Edukasyon na Filipino ang gagamiting midyum sapagtuturo sa lahat ng paaralan, sa lahat ng rehiyon. Alam ng lahat na noong 1974, nagsimulang ipatupad ang Bilingual Education Policy.