Discipline: Religion, Ecology, Theology, Catholicism, Environmental Ethics
Basura ay isang salita na may maraming kahulugan para sa mga Filipino. Maaaring ipakahulugan dito ang mga bagay na nabulok at bumaho, mga bagay na matapos pakinabangan ay itinapon na lamang sa tabi-tabi at mga kemiko o bagay na matapos gamitin sa industriya ay itinatapon sa dagat o kaya'y ibinabaon sa lupa.
Maaari ding ipakahulugan dito ang mga gawaing kabuktutan o gawaing hindi naaayon sa isang Kristiyano. Sa Pilosopiya ang mga kaisipang walang kahalagahan ay itinuturing ding basura.
Sa artikulong ito ang basura ay nangangahulugan ng mga nabanggit kong kahulugan. Upang maunawaan ang nais kong ipahiwatig, hinati ko ang pagtatalakay ng basura sa dalawang bahagi: una, aking tatalakayin ang basura sa pananaw ng Genesis at ikalawa, sa pananaw ng etika ng kalikasan.