HomeMALAYvol. 10 no. 1 (1992)

Ang Kahirapan sa Papaunlad na mga Bansa: Isang Repaso ng Literatura

Purita E. Gatongay

Discipline: Poverty

 

Abstract:

May mga tatlumpung taon na ang nakalilipas nang ang yumaong dating presidente ng Estados Unidos, John F. Kennedy, ay nagdeklara sa loob ng kanyang bansa ng lubusang pakikipagdigma laban sa kahirapan. Sa mga unang araw ng taong kasalukuyan ay narinig at nabasa rin natin ang mga pahayag ng ating Pangulong Corazon C. Aquino laban sa laganap na karukhaan sa bansang Pilipinas. Kung ang tinuturing na napakaunlad na bansang Amerika ay nabiktima ng kahirapan, hindi kataka-taka kung ang mga papaunlad na bansang katulad ng Pilipinas, Nairobi, Bangladesh at iba pa ay nasa estado ng kahirapan. Datapwat ang sitwasyon ay hindi kanais-nais. Sa kabila ng pag-asam ng mahihirap na bansa na umunlad ay nariyan naman ang matagumpay na karanasan ng Taipei, Tsina at Republika ng Korea sa pakikibaka laban sa kahirapan. Nakapagbibigay din ng inspirasyon ito upang hindi magpabaya ang mga papaunlad na bansa sa layuning umunlad.