HomeMALAYvol. 10 no. 1 (1992)

Ang Pag·Unlad Ng Mga Mahihirap Na Bansa: Isang Pagsusuri Ng Literatura

Melanio M. Regis

Discipline: Economics, Economic Growth

 

Abstract:

Ang kasalukuyang mundo ay binubuo ng mga mauunlad at di mauunlad na bansa. Ang mga mauunlad na bansa ay mayayaman at ang di mauunlad ay mahihirap dahil sa pagkukulang sa mga pangunahing kinakailangan sa buhay, pagkain, tirahan at pananamit. Halimbawa, kung sa hipotetikong usapan ay itinatakda ang kita bawat tao ng mayayaman na bans'a sa $500, walumpung porsiyento ng tao sa mundo ay maituturing na mahihirap (Ward 1962). Ayon sa ulat ng Central Intelligence Agency noong 1978, ang India ay maykita bawat tao sa isang taon na $200 0 mababa pa riyan, ang Tsina naman ay $201 hanggang $1,000 (Dolan 1980 at Byrns 1981). Ang mga bansang ito ay may pinakamaraming bilang ng tao sa mundo. Ang India ay mayroong higit-kumulang na 500 milyon at ang Tsina ay isang bilyong tao. Samantalang sa mauunlad na bansa, ang kita bawat tao sa isang taon ay $5,000 hanggang $7,000 o mahigit pa riyan. At ang agwat ng kita ng mga mauunlad at di mauunlad na bansa sa halip na maging magkalapit ay lalong lumalayo sa pagdaan ng panahon.