HomeMALAYvol. 11 no. 1 (1993)

Makataong Pagtututuro ng Matematika

Maxima Acelajado

Discipline: Education

 

Abstract:

Ayon kay Hedrick (1932), ang tunay na kagalingan ng Matematika at ang tunay nakahulugan at kahalagahan nito sa mundo ay mananatili magpakailanman. Ito ay sinusugan ni Snader (1949) na nagbigay-diin sa katotohanang lubhang mahirap ang mabuhay sa panahong ito dahil sa laganap na ang kaunlarang dala ng Matematika, Agham, at Teknolohiya; gayundin ang lubos na kahandaan ng mga kabataan upang harapin ang mga kabutihan at kasama ang dulot ng kaunlaran. Ang Matematika ay isang mahalagang bahagi ng ating kultura at hindi maikakaila ang nagging papel nito sa pagpapaunlad ng ating bansa.