Discipline: Literature
Proyekto kong ibulgar ang pakikialam ng naghaharing gahum sa pagbasa ng ating literatura. Layunin kong patunayan na ginagamit ng estadoang El Filibusterismo ni Jose Rizal upang ipagpatuloy ang pagsupil sa diwang mapagpalaya ng kabataan. Nais ko ring ipakita na magagamit ang isang metodo ng kritika para mahuli ang pag-iintriga ng estado sa larangan ng ideolohiya. Sinasadyang pinipilipit ng estado, sa pamamagitan ng kinakasangkapan nitong sistema ng edukasyon, ang kaloobang makabayan ni Rizal. Ginagawa ito ng estado sa maraming paraan, unang-una na ang sapilitang pagpapabasa sa mga estudyante sa hayskul ng pinilipit na bersyon ng El Filibusterismo.