Discipline: Literature
Nangunguna ang akdang "Ang Sikolohiya ni Francisco Balagtas sa Florante at Laura" sa mga akdang sumusunod sa espiritu ng panahon ng pagbabago ng isip at rekonseptwalisasyon sa sokolohiya at agham panlipunan. Isang bagong landas ang hinawan ni Gundelina Velazco para sa mga mag-aaral sa sikolohiyang Filipino. Ang landas na ito ay nagpapahalaga sa malaon nang minaliit at isinaisantabing larangan ng pag-aaral sa katutubong kaisipan. Sa wakas, maaari nang tingnan ang akdang tulad ng Florante at Laura hindi lamang bilang isang akda ng makasining kundi isa ring akdang hitik sa kaisipang sikolohikal na katutubo sa Filipino. Gayundin, naibigay kay Francisco Balagtas ang matagal nang ipinagkait napagkilala bilang isang kawing sa mahabang linya ng palaisip at sikolohistang Filipino.