HomeMALAYvol. 12 no. 1 (1994)

Mga Suliraning Kinakahrap Sa Pagtuturo ng Matematika sa Filipino

Aurora S. Trance

Discipline: Education

 

Abstract:

LAYUNIN ng panayam na ito na talakayin ang mga suliraningkinakaharap 'sa pagtuturo ng matematika sa Filipino mula sapunto de vista ng isang guro ng matematika. Bagama't ang mga nagging karanasan ko ay pawang sa antas pangkolehiyo lamang, inaasahan kongang mga batayang suliraning makikita sa iba't ibang antas ay halospareho lamang at hindi gaanong nagkakalayo.Sa paglalahad ng mga suliranin, hindi ko nais palakihin samata ng balana ang mga balakid upang gawing dahilan ng pagpapanatiling wikartg Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa syensya, matematika atteknolohiya sa lahat ng antas ng edukasyon. Isa ako sa mga naniniwalana malaki ang maitutulong ng paggamit ng sarilinatin&&wika sa pagtuturong syensya at matematika sapaaralan sa pagpapalaganap atpagpapataasng kamalayang maka-agham sa ating mga kababayan. Kaya anginaasahan kong maging bunga ng paglalahad na ito ay ang makahikayatng mga gaya ko na may kaparehong paniniwala sa paglutas ng mgasuliraning mababanggit upang maisakatuparan ang matagal nang balakng mga maka-Filipino na maituro ang matematika at agham sa wikangFilipino. Dahil dito, hindi lang mga suliranin ang pagtutuunan ko ngpansin. Mababanggit ko rin ang sa aking palagay ay posibleng solusyonsa mga suliraning maihahanay sa paglalahad na ito.