HomeMALAYvol. 12 no. 1 (1994)

Chavacanong Ternate: Paano Ito Nilikha? Donde Di Inda Questi?

Magdalena C. Sayas

Discipline: Education

 

Abstract:

ANG ITINUTURO ng pag-aaral ng wika ay sumasaklaw sa kabatiranhindi lamang ng ibang katawagan sa mga bagay o ideya ng isangpartikularna grupo ng mga indibidwalnanagsasalita nito, kundi gayundinang kanilang comong karanasan na may mahalagang kaugnayan sakanilang lenggwahe. At ayon kay Paul Glaude (1960), ang kanilanglenggwahe ay isang buong yunitna ginagamit bilang mabisanginstrumentoupang higit na maunawaan ang kanilang partikular na karanasan. Angwika, kung gayon, ay isang sistema, isang padron o istruktura ngkomunikasyon, isang simbolo ng miryad ng mga comong karanasan nggrupong nagsasalita nito. Sa parte ng mil Chavacano, ipinapahayag ngkanilang wika ang isang comong karanasan, at ito ay isang pagkakalapitng dalawang magkaibang komunidad ng wika, na sa kanilang pagsisikapna matamo ang higit na pagkakaunawaan sa kanilang mga transaksyon atiba pang interaksyon, aynalinang ang isang lenggwahe--ang kumbinasyonng dalawang orihinal na wika. Ang katawagan sa ganitong uri ng wika nanaging bunga ng nasabing proseso ay pidjin (MacFarland 1983). Angmganinuno ng mga nagsasalita ng Chavacano ay nanatiling gumamit nito,at ipinasa sa kani-kanilang mga anak o sa sumunod na henerasyon bilanglenggwahe. Ang nahuhuling istatus na ito ng wika ay tinatawag na creole.