HomeMALAYvol. 12 no. 1 (1994)

Dalawang Alon Sa Iisang Agos: Sining-Salin o Pananalinghaga o Pagpapakatao

Buenaventura S. Medina Jr.

Discipline: Education

 

Abstract:

ANG TAO ay talinghaga-- isang sagisag ng kahulugan na kaloob sa isanglikhang nakaumang sa ibayo pang pagpapakahulugan. Ang talambuhayng sinuman, ng tao, ay pagtahak sa landas ng pagbibigay-kahulugan sakaranasan mula nang mamalayan niya, ganap o gabahid man, ang gayonggampanin hanggang sa kasalukuyang pag-aninag niya sa sasapitin. Isangpaglalakbay yaon ng kamalayan, sa pagdukwang nito ng karanasangmagkakaloob ng hugis sa mga pakahulugan sa isip, gawi, salita, napawang pagsasaanyo ng pagpapakatao--isang pananalinghaga. Ang taosa kanyang pagpapakatao, sa paggugumiit ng kanyang sarili bilang taosa isang lipunan ng mga kapwa na pawang nagsisikap din, namamalayanman o hindi, na magpakatao, magin tao-- kamag-anak, kamag-isip,kamag-aral, kamag-anuman--ang rurok ng pananalinghaga. Atnaisasagawa ang ganyang pananalinghaga sa pamamagitan ng isangsining ng pagpapahayag, isang malikhaing pags~aanyo ng wika, nglenggwahe, na kinagisnan niya o kinasanayan kaya.