Discipline: Education
Ang Wikang Filipino sa Taong 2000-- Tila yata napakaraming mga paksa ngayon na isinasali natin sa medium-term plan ng Pangulong Fidel V. Ramos tungkol sa atinglayuning pambayan, ang pagpapaunlad ng ating bayan at ang pagigingNewly IndustrialiZing Country (NIC) ng Filipinas sa Taong 2000. Kayanga't pati na ang wika ay isinasama natin sa ating mga layunin.Ngunit kung tutuusin, llil8 taong 2000 ay pitong taon na lamang atdaratingna. Halos nandoonna tayo. Maramingmga bagay angmangyayarisa ating bayan sa susunod na pitong taon. Ngunit sa palagay ko naman,hindi talaga magiging iba ang ating sitwasyon sa wika sa pagtatapos ngpitong taon. Magkakaroon nga ng progreso, ngunit ang mga senyales nitoay narito na. Kaya't hindi na tayo kailangang manghula pa sapagkat kungtitingnan lamang nating mabuti at susuriin ang kasalukuyan, tila narito nanga ang mga senyales para sa kinabukasan.