Discipline: Education
ANG PANTAYO-pang kaming pananaw ay unang ipinaliwanag ni Salazar(1988). Ayon sa kanya, ang mga, mananakop na Kastila ay sumulat ng inaakala nilang paglalarawan ng mga. katangian at kasaysayan ng mga Filipino. Ang tanging nakaunawa sa mga sinulat na ito na nasa wikangKastila ay ang mga ilustradong Filipino. Tinutulan ng mga ilustradong itoang sinulat ng mga kastila at sumulat din sila ng kasaysayan ng Filipinasna may pangkalahatang .himig na ''hindi kami ganyan, ganito kami.'' Itoang tinatawag na pangkaming pananaw na ginamit na pananaw ng mgailustrado bilang reaksyon o pagtauli sa mga sinabi ng mga manananakop.Samakatwid, ang kinakausap sa pananaw na ito ay ang mga mananakop,