HomeMALAYvol. 12 no. 2 (1994)

Tungo Sa Pag-Unawa ng Teolohiyang Mapagpalaya

Basilio P. Balajadia

Discipline: Religion, Theology

 

Abstract:

Ang layunin ng sulating ito ay hindi lamang upang tumalakay sa paksang teolohiyang mapagpalaya o liberation theology kundi upang makatulong na rin kahit kaunti sa pagpapalaganap ng mga literaturang panrelihiyon sa wikang Filipino. Mapapansin na sumisidhi na ngayon ang paggamit sa sariling wika bilang midyum sa pagtuturo sa pamantasan. Upang lubos na mapag-ibayo ang paggamit ng wika sa paaralan, kinakailangan ding palaganapin ang mga babasahing aralin na maaaring magamit ng mga guro at mga mag-aaral. Ang maikling sulating ito ay inaasahang tutugon sa pangangailangang ito lalong-lalo na sa larangan ng araling pang-relihiyon.