HomeMALAYvol. 13 no. 1 (1996)

Epekto Ng Mga Wikang Filipino At Ingles Bilang Midya Sa Pagtuturo Ng Aljebra Sa Antas Ng Pagkatuto At Atityud Ng Mgamag-Aaral Sa Kolehiyo

Maxima Acelajado

Discipline: Education, Instructional Language

 

Abstract:

Sa nakalipas na maraming taon, alam natin na wikang Ingles ang ginagamit na midyum sa pagtuturo ng matematiks sa lahat ng antas ng pag-aaral. Kahit na noong nagkaroon ng direktiba ang DECS tungkol sa angkop na midyum para sa pagtuturo ng iba't ibang asignatura, Ingles pa rin ang napiling midyum para sa pagtuturo ng matematiks. Subalit hanggang sa ngayon, wala pa ring resulta ng pananaliksik na nagpapatunay na talagang dapat na Ingles ang gamiting midyum sa matematiks at wala pa ring malaking pagbabago sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng matematiks; gayundin, wala ring matibay na batayan na kapag Ingles ang gamit sa pagtuturo, maganda ang atityud ng mga mag-aaral sa matematiks.

Ngayon, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga guro at mga mananaliksik ay ang posibleng epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng matematiks. Ayon sa karanasan ng mananaliksik na ito at ng ilan pang guro sa matematiks, kung dumarating ang mga pagkakataong di maunawaan ng mga magaaral ang kanilang aralin na itinuro sa wikang Ingles, ito ay ipinapaliwanag nil a sa wikang Filipino. Dahil dito medaling naiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin, bukod sa nagiging kawili-wili pa sa kanila ang pag-aaral ng matematiks.