HomeMALAYvol. 13 no. 1 (1996)

Matematiks Sa Filipino

Judith Aldaba

Discipline: Education, Instructional Language

 

Abstract:

Sa nasabing artikulo, ipinag-utos na ang pambansang lenggwahe ay Filipino, at ang wikang ito ay dapat pagyamanin at palawakin base sa mga dayalect na ginagamit na sa bansa. Subalit, sa kabila ng pag-uutos na gamitin ang wikang Filipino sa kalakalan, paaralan, at pamahalaan, nananatili pa rin ang Ingles bilang opisyal na lenggwahe ng bansa. Sa katunayan, ang 1987 Bilingual Policy ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Sports ay nag-uutos na ang agham at matematiks ay dapat ituro sa wikang Ingles, samantalang ang iba pang mga sabject ay ituturo sa Filipino. Bagaman at maraming paaralan ang sumusunod sa ipinag-uutos na ito, malakas pa rin ang pagtutol ng maraming sektor, lalo na sa mga paaralan sa kabisayaan. Kung kailan magiging ganap ang pagpapatupad nito ay hindi natin alam.