Discipline: Thailand Government
Ang Thailand sa makabagong panahon ay kakaiba pagdating sa pulitikal na kaganapan sa Timog Silangang Asya. Ito ay isang maliit at malayang bansa noong ika-19 na siglo nang ang halos lahat ng mga lugar sa rehiyon ay sinakop na ng mga bansang Kanluranin. Ang kalayaang ito ay hindi bunga ng lakas militar ng Thailand kundi ng kasunduan ng dalawang magkatunggaling bansa-ang lnglatera sa Burma at Malaya, at Pransya sa lndochina-upang panatilihin ang maliit na kaharian ng Thailand bilang tagapagitang-estado sa kanilang nasasakupan. Bunga rin ito ng makabagong ideya at katangi-tanging diplomasya na ginamit ng dalawang magigiting na hari ng dinastiyang Chakri nang panahong iyon-sina Haring Mongkut at Haring Chulalongkorn.