HomeMALAYvol. 13 no. 1 (1996)

Ang Kapaligiran At Ang Mga Katutubong Filipino: Isang Pagsusuri Ng Fundamental Na Epekto Ng Pambansang Kaunlaran

Ma. Lourdes V. Rallonza

Discipline: Sustainable Development, Industrialization

 

Abstract:

Marahil matagal nang nalutas ang katanungan ukol sa relasyon ng tao at kapaligiran. Ang sagot ay kasing likas ng kabuluhan ng maraming bagay sa mundong ito - BUHAY. Ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng buhay ang nagsisilbing singsing sa pagbubuklod ng tao at kanyang kapaligiran. Ngunit sa panahon ngayon ay tila unti-unti nang humihina ang buklod na ito. Ang dating kaaya-ayang relasyon ng dalawa ay napalitan ng isang uri ng pagtutunggali - ang pagtutunggali kung sino ang dapat maghari at mamuno, tao o kapaligiran.