Discipline: History
Mahal kong Concepcion,Ipagpaumanhin mong manulay ako sa paggamit sa iyongpangalan upang magkaroon ako ng dahilang hulmahin angpanayam na ito sa anyo ng isang liham. Nagiging mahirap na kasi para sa akin na sumulat pa ayon sa idinidiktang hulmahangnakagisnan natin, ngayong namamalayan kong may nag-iiba saakin-sa aking pagtanaw siguro, at kung gayon ay patina rin sapaglalahad. Mahirap umangkin ng dahilan upang pahintulutanko ang ganitong paghihimagsik, takda nga siguro na ganito ang mangyari, nang mabasa ko ang tungkol sa iyo. Alam mo ba nalumikha sila ng isang gawad-propesoryal upang ikaw ayparangalan? Ngunit kakaiba ang iyong gawad-propesoryal salahat ng mga gawad-propesoryal dito sa ating pamantasan.Pinarangalan ka hindi dahil sa kontribusyon sa aralingpambabae; pinarangalan ka hindi dahil sa iyong mga naisulat onaisip o naimbag sa agham, sa kritika o sa wika. Ang iyongpangalan, na naman, ang ikinawit sa isang gawad-propesoryalNANG BABAE ANG NAGHANAP, NANG BABAE ANG HINANAPpara sa araling pambabae, dahil ikaw ay isang babae. Na parangsapat na ang pagiging babae mo upang magkaroon ka ng isangparangal gawad-propesoryal. Na parang kalabisan pang hanapanka ng espesyalisasyon, o ng ambag sa larangang biniyayaan mongayon ng iyong pangalan, para lamang magkaroon ka ng isanggawad-propesoryal. Hindi ka "nakapag-aral" o nagkaroon ngkahit isang nalimbag na sanaysay; naging bahagi ka ng atingpamantasan dahil ikaw ang may-ari ng ating kantinang kinakainan. Sa wari'y kinatawan mo ang lagi nang nagigingkapalaran ng babae sa pagtatangka nitong maging bahagi ngisang institusyon: nagsimula ka, gaya ng maraming iba pa, salikod, sa kusina. Alam mo bang ikaw lamang ang babaingpinarangalan ng isang gawad-propesoryal sa buong pamantasannatin? Matagal kong inisip ito -lalo na't sa akin nila ibinigaysa taong ito ang iyong gawad-propesoryal. Bakit sa akin? Dahilbabae ako?Nasa pat na ang pagiging babae ko upang mapasaakinang iyong gawad-propesoryal, katulad ng pagiging babae moupang parangalan ng isang gawad-propesoryal? Hindi ko pa nalirip sa simula, ngunit alam kong nakatulong ang ganitongnangyari sa ating dalawa, upang masimulan ko ang paglalakbayna ito, ang pagsulat ko ng isang liham.