Discipline: Education
Hinihingi ng agham-pantao ang patuloy na patunay ng mga teorem ng mga teorya. Isang batayang teorem ng kritikang dekonstruksyonista ang modernong sawikaing "Una ang sulat (ecriture) sa bigkas (parole)' Hinango ito ni Jacques Derrida (De la Grammatologie) sa linggwistiks ni Ferdinand de Saussure. Hanggang ngayon ay kulang pa rin ito sa patunay, lalung-lalo na sa harap ng pagkamatay ng kritika sa paglipas ng ikadalawampung dantaon.