Discipline: Education, Social Science, Gender and Sexuality Studies
Nangangailangan ng atensyon si Hilaria Labog. Mahalagang "buhayin" at kilalanin siya. May dalawang dahilan kung bakit: Una, sapagkat de-kalidad at popular na kuwentista si Labog noong kanyang panahon. Pangalawa, sapagkat may espesyal na katangian si Labog bilang manunulat - siya ang nagpasimula sa konsepto ng feminismo noong kanyang panahon. Hindi pa man nakikilala ang feminismo sa Pilipinas. taglay na ni Labog sa kanyang sarili, at sa kanyang mga kama ang konsepto ng feminismo; hindi pa man nabubuo ang ideolohiyang ito noong panahong sumusulat siya ng mga maikling kuwento at nobela. Ang pagiging de kalidad at popular na kuwentista ni Labog, at ang paghawan niya ng landas tungo sa feminismo ang tatangkaing talakayin sa papel na ito. Patutunayan dito na karapat-dapat kilalanin si Labog ng mga mambabasa ng maikling kuwento sa kasalukuyang panahon.