Discipline: Economics
Sinusuri ng pag-aaral na ito ang mga uring panlipunan sa dantaon 1819. Sa partikular, sinesentruhan nito ang transpormasyon ng uring timawa mula sa pagiging malaya at nasa panggitnang katayuan sa sinaunang pamayanang Pilipino tungo sa pagiging "mahirap pa sa daga." Ipinapakita rito na sila, kasama ang mga pinalayang alipin, ang bumubuo sa tinarawag natin ngayong taumbayan. Tinatalakay din dito ang kanilang kamalayan at kabayanihan.