Isang taon pagkamatay ni Amado V Hernandez, sinabi ng manunulatgurong si Efren Abueg sa isang kumperensya sa Baguio noong 197I na ang mga nobela ni Hernandez, tulad ng mga nobela nina Lope K. Santos, Faustino Aguilar, at Lazaro Francisco ay mga akdang protesta. Tiyak na isinama na rin ni Abueg sa kategoryang protesta ang iba pang mga akda ni Hernandez sa tula, dula, at sanaysay, gayundin ang lahat ng mga likhang pampanitikan sa simula't simula pang lahat ng manunulat, kilala at di kilala, nang idugtong niyang "wala pang panitikang rebolusyunaryo sa Pilipinas." Sabi niya, Ang panitikan, maging sa alinmang wika sa Pilipinas ay 'protesta' lamang.” ("Ang Pagsulat ng Panitikang Rebolusyunaryo,” Tungo sa Paglikha ng PanitIkang Pilipino, 1972, p. 74)