HomeMALAYvol. 17 no. 1-2 (2003)

Sasangandaan ng mga Kontradiksyon: Si A. V. Hernandez Bilang Pambansang Artista

Bienvenido Lumbera

 

Abstract:

Nang magkasabay na parangalan sina Amado V. Hernandez at Jose Garcia Villa bilang Pambansang Artista noong 1973, lumitaw nang buong linaw na nakatuntong sa nagsasalungatang pananaw at panukala ang kulturang palalaganapin ng pamahalaang itinatag ng Proklamasyon 1081. Tunay na magkataliwas ang pampanitikang oryentasyon ng dalawang manunulat. Kinakatawan ni Hernandez ang pagsusulat na kusang ikinakawing sa mga usaping panlipunan. Sa kabilang dako, kumakalas sa mga usaping panlipunan ang pagsusulat na kinakatawan ni Villa ayon sa paniwala na sa gayong paraan lamang nagiging posible ang paglikha ng sining.