HomeMALAYvol. 17 no. 1-2 (2003)

Kung Ang Rosas Mo'y Punglo

Charlie Samuya Veric

 

Abstract:

Iilan lang marahil ang aamin sa maamong hidwaan sa pagitan ng mga manunulat sa Filipino at ng mga Pilipinong manunulat sa Ingles. Tahimik ang hidwaang ito. Sa katunayan, ang mga manunulat mismo sa alinmang dila ang unang magsasabing katha lamang ang alitang ito ng kukoteng marumi, malikot-diyablo ng walang magawang isip. Ngunit ana paag katibayan ang hihigit kaya kaysa sa kasalatan ng diyalogo sa pagitan, kUl~g mamarapatin, ng dalawang tribo? Bihirang marinig, halimbawa, ang makata sa Ingles na magsasabing may malalim na impluwensiya sa kanya ang makata sa Filipino. Baligtaran ang ganitong damdamin. Mutual contempt,'ika nga sa Ingles.