Maraming kasaysayan ang bumubuo sa kasaysayan ng Pilipinas. 1sa na rito ang kasaysayan ng Himagsikan ng 1896. Masasabing may dalawang yugto ito. Ang una, mula 1896 hanggang 1898, ay ang matagumpay na himagsikan ng mga Pilipino laban sa pamahalaang Kastila na naglundo sa paglaya ng mga Pilipino at sa pagkatatag ng Repu~ka ng Pilipinas, ang unang malayang pamahalaan ng mga katutubo sa buong Asya noong ikalabinsiyam na siglo. Ang ikalawang yugto, mula 1899 hanggang 1902 (1913 ayon sa ilang Pilipinong Historyador), ay ang Digmaang PilipinoAmerikano nang buonggiting na ipinagtanggol ng mga Pilipino ang kanilang bagong-tamong kalayaan at pamahalaan laban sa imperyalismong Amerikano.